Wednesday, November 23, 2005

INSIDE THE CANISTER

Nakahinga na rin ako nang maluwag...
ETO YUNG ARTICLE INSIDE THE CANISTER...

Sa pagka-link kay Angelica Panganiban . . .

“MAHAL NA Mahal ko si Say” – JB
By Jobert Sucaldito

Palagi raw nakikitang magkasama sina AP at former PBB housemate JB Magsaysay kaya nag-conclude ang publiko na merong namumuong relasyin sa dalawa.

Noong na ay ayaw sanang magpainterbyu si JB tungkol sa isyu dala ng hiya at baka hindi siya maintindihan ng tao. Hindi lang kay AP nail-link si JB – pati kay Ms Germany na contestant sa Ms Earth Beauty Pageant. Pero nang makausap naming si JB malinaw ang kanyang paliwanag.

“I was with my family that day sa Greenhills. We were shopping nang makasalubong naming sina Angelica with Michelle Madrigal who was shopping too. Dati na kasi kaming magkaibigan ni Angel dahil nagkatrabaho sila ng brother kong si Pao sa isang movie. Matagal ko nang friend si Angel at close talaga siya sa family naming ever since pa. Wala pa ako sa PBB ay magkaibigan na kami. Nagdecide kami to shop together. That was a Wednesday.

“Sa sinasabi nilang binilhan ko siya ng flowers, totoong bumili ako ng flowers pero hindi para kay Angel – para sa mommy ni Say iyon. It was Say’s mom’s bday kasi Friday of that week pero we had to celebrate it earlier coz I have work days after.

“After we shopped, naghiwalay na kami ni Angel because I had to go to Say’s mom’s dinner. After dinner nagkatawagan kami nina Angel at we went out nga. We went to Embassy Bar and had some fun. Wala iyon. Kasama namin ang buong barkada.

“Then, yung sinasabing ginuguwardiyahan ko si Angel sa dressing room niya is not also true. It was true na nandoon ako sa dressing room niya one time dahil dinalaw naming siya ng brother ko roon while waiting for Rico, yung co-housemate ko who with Fanatic. Nagbiro lang ako sa isang photographer na gusto kunan si Angel ng photos. Sinabi ko sa photographer na mukhang busy si Angel kaya kung gusto niya ay ako na lang ang kunan niya ‘kako.

“Nahihiya ako kay Angel at sa family ni Say. Wala naman kasing truth sa isyung iyan at lumabas nga sa forum at sa column mo, Tito Jobs . . . Okay kami ni Say and there’s no reason for me to jeopardize my relationship with Say. I love her very much.

“I cannot do that to Say. Mahal na mahal ko si Say. Miss na miss ko na siya. Gusto ko na siyang i-kiss at i-hug.

“Minsan ay kinausap ako ng sister ni Say. She told me that in the event that I’m no longer in love daw with Say and if it’s true that I found someone else, sabihin ko na raw sa kanila habang maaga para sila na ang bahalang magsabi kay Say. They’re hurt by the news. Pero sinabi ko sa kanila not to worry dahil walang truth iyon. Kung sakali man kakong I’ve fallen out of love for Say, I will wait for her at ako mismo ang magsabi dahil it would be ungentlemanly for me na hindi siya sabihan ng personal. But of course, that’s far-fetched dahil mahal ko si Say. …

“Yung tsismis na iyon about me and Miss Germany came about nang minsang mag-guest kami sa isang TV show. I was wearing kasi a native necklace na nagustuhan niya. She asked me kung saan ko raw nabili iyon. I told her that it was available in some Filipino stores. But of course, bilang sign ng Filipino hospitality, hinubad ko yung necklace na iyon and gave it to her. Hindi naman kasi siya Pinoy para alamin kung saan siya makabili noon. Walang malisya yon. Of course I appreciate beauties around dahil lalaki ako. Just like anyone else. But of course, my heart belongs to Say. She’s the most beautiful girl para sa akin.” Ani JB na talaga namang sincere sa kanyang sinabi.

In fairness to JB, he seems very honest. Mahalata mo naman kung pinaiikot ka lang sa kausap mo. Hindo ganoon si JB. Sa totoo lang, nakakainggit pa nga si Say dahil sure siya hindi siya niloloko ni JB. At paulit-ulit na sinasabi ni JB na mahal na mahal niya talaga si Say. Nakikiusap si JB na sana’y tigilan na itong pag-iintriga sa kanila ni Say.

Thursday, November 10, 2005

PBB po tayo!


Alam mo Avid fan ako nang PBB "Pinoy Big Brother" is a show from Abs-cbn 2 in prime time bida. My Bet is Jason. But I like say, Jb and Franzen. Kasi sabi nga ni say she doesn't deserve to win na because she's already rich. So kahit siya she wants either Franzen, Jason or Nene to win.

Pero nakikita ko yung masyadong pagkaapekto nang mga tao sa teleseryeng ito. especially with JB and SAY. Sobra ang paglalait nang mga tao kay say... say is just showing her true attitude like their favorite pasaway FRANZEN and Sexy Cass. Dba? bakit hindi ba nag backstab si before Cass? heh. Pero once na si say aba ayan na!

tapos ngayon they are questioning Say and Franzen Friendship. Talaga naman they are close with each other na. say has changed na po. But what else people? ulit na naman! puro paninira ang sinasabi kay say.

Iyakin daw si say. Bakit si cass ba hindi umiiyak?
sobra na kayo. May puso at damdamin din sila. Instead of enjoying this show with resentment, why don't we just enjoy it... as in enjoy it? stop the "BAD MOUTHED" and "BAD CURSINGS" aba Babalik sa inyo ang mga iyan! Para yung pag once na tinuturo mo ang ring finger mo sa isa, yung tatlo naka harap sa iyo.